Tanaga Kay Glenda

Para Kay Glenda

Sa bubong lang ang titig
ng matang ‘di mapikit.
S’ya na nga’y sa pusikit
ay naiyak, nagngalit.

At Sa Kanyang Paglisan

Nang magsawang maglinis
ng naiwan ngang dungis,
niyaya ang mga utol
at sa long neck, nagkumpol.

Advertisements