Sino si Indio?

 

Isa lang ding mumunting buhangin sa patlang ng kalawakan, tulad ng lahat, si Indio.

Pero hindi tulad ng sa normal na buhangin, naiisip ni Indiong may kakaiba sa kanyang mineral composition.

Nasa bebentehin na ang kanyang edad, pero tumatalon pa rin, mula sa isang bata hanggang sa isang matanda at pabalik, ang kapasidad ng kanyang pag-iisip.

Mahilig sa mga bagay na hindi natural na kinahihiligan ng mga tao. Mahilig paghaluin ang mga pagkaing hindi naman dapat pinaghahalo. Mahilig tumula, mahilig kumatha ng kwento.

Mahilig.