Tanaga Kay Glenda

Para Kay Glenda

Sa bubong lang ang titig
ng matang ‘di mapikit.
S’ya na nga’y sa pusikit
ay naiyak, nagngalit.

At Sa Kanyang Paglisan

Nang magsawang maglinis
ng naiwan ngang dungis,
niyaya ang mga utol
at sa long neck, nagkumpol.

Advertisements

Si Lolo

“Nasa ilog kami noon,” sagot niya, “naghahanap ng mahuhuling isda.”

“At pagkatapos, habang nalangoy kami, bigla na lang may lumitaw na buwaya.”

“Nagulat kaming lahat.¬†Sumigaw siya. “Bumalik kayo sa pampang!””

“Dali-dali kaming lumangoy sa pampang.”

“Nung nasa pampang na kami, nakita namin siya at yung buwaya.”

“Nagbuno sila.”

“Nag-wrestling sila habang nasa ilog.”

“Nagsusumigaw siya habang nagpupumiglas.”

“Kaya ayun, nakagat ang kanyang dila.”

— Mapaglarong sagot ni Papa sa namamangha kong tanong¬†kung bakit pipi si Lolo.